^

Bansa

Hirit ni Colanggo na makapagpiyansa, ibinasura ng CA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Hirit ni Colanggo na makapagpiyansa, ibinasura ng CA
Si Herbert Colanggo na isa tina­guriang ‘Bilibid 19’ ay humihirit ng pansamantalang kalayaan dahil hindi umano matibay ang ebidensya laban sa kanya at bilang pagsasaalang-alang na rin sa lumalalang kundisyon ng kanyang kalusugan.
STAR/Joven Cagande, file

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Court of Appeals ang kahilingan ng  high-profile inmate na si Herbert Colanggo na makapagpiyansa sa kasong robbery  na nakasampa ng Parañaque Regional Trial Court Branch 194.

Si Colanggo na isa tina­guriang ‘Bilibid 19’ ay humihirit ng pansamantalang kalayaan dahil hindi umano matibay ang ebidensya laban sa kanya at bilang pagsasaalang-alang na rin sa lumalalang kundisyon ng kanyang kalusugan.

Hindi raw kasi gumaga­ling ang kanyang idinadaing na sakit sa likod, pananakit at pamamanhid ng ibabang bahagi ng kanyang katawan at may problema rin siya sa pag-ihi.

Ginawa pang argumento sa petisyon ni Colanggo ang pagpayag ng Korte Suprema na makapagpiyansa si Senador Juan Ponce Enrile na akusado sa kasong pandaram­bong bunsod ng kanyang kalusugan.

Pero sa resolusyon ng Court of Appeals fifth division na isinulat ni Associate Justice Jose Reyes, walang merito ang petition for bail ni Colanggo dahil siya ay nahatulang mabilanggo ng reclusion perpetua o pagkakulong na mula 20-taon at isang araw hanggang 40- taon.

Sa ilalim umano ng Revised Rules of Criminal Procedure, kapag ang hatol sa isang akusado ay pagkabilanggo na higit anim na taon, hindi   papayagan ang akusado na makapagpiyansa.

Hindi rin umano maaa­ring ikumpara kay Colanggo ang kaso ni Enrile dahil ang dating senador ay hindi pa naman nahahatulan.

COLANGCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with