^

Bansa

Mahigit P2.5-B pinsala ni supertyphoon Lawin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa mahigit P2.5 bilyon ang iniwang pinsala ni supertyphoon Lawin sa agrikultura at imprastraktura sa Regions I, II, III at Cordillera Administrative Region (CAR), ayon sa opisyal kahapon.

Sa press conference sa Camp Aguinaldo, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan,  nasa P2,527,246,025.16 bilyon ang pinsala sa Regions I, II, III at CAR habang patuloy ang assessment sa mga sinalantang lugar.

Idinagdag pa na nasa P1,583,404,188. bilyon ang pinsala sa imprastraktura habang nasa P943,841,837.16 M naman sa agrikultura.

Inihayag ng opisyal na sa 25 napaulat na nasawi, 8 dito ang kumpirmado habang 17 pa ang patuloy na beneberipika  kung sanhi ba talaga ng bagyo ang kanilang kamatayan.

Sa update ng Response Cluster, nasa 31,751 pamilya  o kabuuang 158,736 katao ang isinailalim sa pre-emptive evacuation sa Regions I, II, III, CALABARZON, V at CAR.

Nasa 33,183 pamilya o 158,863 katao naman ang kasalukuyang  nasa loob ng mga evacuation centers habang ang iba naman ay nanuluyan muna pansamantala sa kanilang mga kamag-anak sa mga matataas na lugar.

Samantalang nasa 46,257 mga kabahayan ang napinsala sa Regions I, II, III at CAR. Sa nasabing bilang nasa 6,551 kabahayan ang tuluyang napinsala habang 39, 706 naman ang nagtamo ng mga pinsala.

Nasa 64 barangay naman ang baha pa rin sa mga lalawigan ng Pangasinan, Bataan at Pampanga bagaman nagsisimula ng bumaba ang tubig sa nasabing mga lugar. Naitala naman sa 87 highways, 76 dito ay mga pangunahing lansangan, 19 tulay ang hindi pa rin madaanan bunga ng mga pagbaha at landslides sa nasabing mga lalawigan na grabeng pininsala ni Lawin.

Sa kasalukuyan, patuloy rin ang isinasagawang clearing operations sa mga lugar na pininsala ng bagyo gayundin ang pagsasaayos ng mga linya ng kuryente at linya ng komunikasyon.  

TYPHOON LAWIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with