^

Bansa

Duterte, buong bansa nagluksa sa pagpanaw ng hari ng Thailand

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte at sambayanang Filipino sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pakikiramay sa pagpanaw ni Thai King Bhumibol Adulyadej.

“The late King Bhumibol was not only the world’s longest reigning monarch but also the guiding hand behind the emergence of Thailand as one of the most progressive countries in the whole of Asia. We are well aware that King Bhumibol was well-loved and held in utmost respect and ve­neration by the Thai people and by those whose lives he had touched du­ring his lifetime,” pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Ayon kay Abella, nais ipabatid ni Pangulong Duterte sa pamilya ng yumaong hari ng Thailand ang taos-pusong pakikiramay nito at ng buong sambayanang Filipino.

“At the same time, we wish his son and heir apparent, Crown Prince Maha Vajiralongkorn, all the best as he assumes the duties and responsibilities as Thailand’s new king. We are certain that as the country’s titular leader and guiding light, he will be able to enhance Thailand’s stature in the region and help the country achieve lasting peace and continued economic and social progress in the years ahead,” dagdag ni Abella.

Sa ngayon aniya ay ipinagpaliban muna ang lahat ng mga konsiyerto at iba pang entertainment sa mga clubs o bars, at inirekomenda ang pagsuot ng itim bilang pagbibigay galang sa unifying leader.

Nabatid na isa sa ma­laking pasasalamat ng publiko sa hari ay ang prog­rama nito sa edukasyon partikular sa mga bata kung saan libre mula sa uniform, libro, lunch, gatas at iba pa.

Binawian ng buhay ang 88-anyos na hari matapos ang 70 taon sa trono.

THAI KING BHUMIBOL ADULYADEJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with