^

Bansa

Leila, 5 pa sa BI watchlist

Doris Franche-Borja at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinailalim na sa lookout bulletin ng Department of Justice (DoJ) sina Senador Leila De Lima at limang iba pa dahil sa alegasyon ng pagkakasangkot umano ng mga ito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBI).

Bukod kay De Lima, isinailalim din ng Bureau of Immigration (BI) sa lookout bulletin sina dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, da­ting Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Jesus Bucayu, Presidential Security Group (PSG) member Sgt. Joenel Sanchez, dating Presidential Anti-Organized Crime Commission Executive Director Reginald Villasanta at dating driver at bodyguard ng senadora na si Ronnie Dayan.

Ayon sa BI  ang dalawang pahinang lookout bulletin na pirmado ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ay inisyu kasunod ng kahilingan ng NBI upang hindi makalabas ang mga ito ng bansa at makatakas sa isinasagawang imbestigasyon sa illegal na droga.

Sa pamamagitan ng lookout bulletin ay inatasan ng DoJ ang lahat ng immigration officers na makipag-ugnayan sa DoJ at NBI sakaling tangkain ng anim na lumabas ng bansa.

Pero sinabi ni Aguirre na hindi puwedeng lumabas sa bansa ang limang government officials at employees hanggang walang travel authority mula sa kanilang heads of offices.

Wala akong balak lumabas ng bansa—De5

Pinagtawanan lamang kahapon ni Sen. Leila de Lima ang paglalagay sa kanya sa lookout bulletin ng Department of Justice (DoJ), National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) dahil wala naman daw siyang balak lumabas ng bansa o tumakas.

Sinabi Sen. de Lima sa ambush interview kahapon, hindi na kaila­ngang ilagay pa siya at 5 iba pa ng DoJ sa lookout bulletin dahil wala siyang planong lumabas ng bansa.

“Huwag na sila mag-aksaya ng panahon dahil wala naman akong balak umalis para takasan ang krisis na ito,” wika pa ni de Lima sa panayam ng dumalo ito sa misa sa paggunita sa World Day Against Death Penalty sa Manila.

“Aalis man ako sa bansa may magandang dahilan for example if I’m invited to a speaking engagement siguro pero hindi kasi ako mahilig mag-travel. Sa ngayon wala akong intensyon lumabas ng bansa,” dagdag pa ni de Lima.

Nagpalabas ng lookout bulletin ang DOJ laban kina former Justice Undersecretary Francisco Baraan III, former Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Jesus Bucayu, Presidential Security Group (PSG) member Joenel Sanchez, former Presidential Anti-Organized Crime Commission Executive Director Reginald Villasanta, at ang former driver and bodyguard ni de Lima na si Ronnie Dayan kaugnay na rin ng ginagawang im­bestigasyon ng Kamara sa illegal drug trade sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with