De Lima pinalulutang sa Kamara
Probe sa illegal drug trade sa NBP
MANILA, Philippines – Sa kabila ng umiiral na inter parliamentary courtesy sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso, inimbitahan pa rin ng House Committee on Justice si Senador Leila de Lima sa gagawing pagdinig ng Kamara de Representantes dahil sa isyu ng paglaganap ng droga sa National Bilibid Prison (NBP) at sa alegasyong tumanggap ang senadora ng milyun-milyong drug money.
Sinabi ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng komite na inatasan niya ang committee secretariat na padalhan din ng imbitasyon si De Lima sa pagdinig na gagawin bukas araw ng Martes dakong alas 9:30 ng umaga.
Samantala, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na walang anumang kapalit ang pagharap bukas sa Kamara ng mga tetestigong high profile inmates kabilang si convicted drug lord Herbert Colangco at isang Noel Martinez laban kay De Lima.
Ayon kay Aguirre, isisiwalat nina Colangco at Martinez kung paano sila nagbenta ng shabu para sa campaign fund ni Sen. De Lima.
Sinabi pa ni Aguirre, pawang boluntaryo ang gagawing pagbibigay ng testimonya ng NBP inmates laban kay De Lima. Aniya, wala ring inialok na parole sa mga naturang preso kapalit ng kanilang pagsasalita laban sa Senadora.
- Latest