^

Bansa

Obama nasaktan kay Duterte! Bilateral talks kinansela

Ellen Fernando at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaray si United States President Barack Obama sa pang-iinsulto na inabot nito kay Pangulong Rodrigo Duterte dahilan upang kanselahin ng White House ang nakatakdang ‘bilateral meeting’ ng dalawang nabanggit na lider ng bansa na nakatakda sana kahapon ng hapon sa sidelines ng Asean Summit sa Vientiane, Laos.

Ayon sa White House, kinansela ni Obama ang takdang pagpupulong nila ni Duterte nang iparating sa US president na dumadalo sa “Group of 20” summit sa Hangzhou, China ang mga binitawang maaanghang na salita ng Pangulo laban sa pinakamakapangyarihang lider ng buong mundo bago tumulak ang huli pa­puntang Laos nitong Lunes.

Sinabi ni Obama sa pulong balitaan na nauna na niyang inatasan ang mga aides nito na makipag-usap sa mga opisyales ng Pilipinas upang alamin kung magiging produktibo at constructive ba ang pag-uusap nila ni Duterte dahil sa agam-agam na magkaproblea mula sa una nilang naging plano.

“I always want to make sure that if I’m having a meeting, that it’s actually productive and we’re getting something done,” ani Obama sa mga reporters.

Nilinaw ng White House na walang plano si Obama na direktang bumanat kay Duterte sa inaasahan sana nilang paghaharap kaugnay sa isyu ng extrajudicial killings o sa pang-aabuso ng karapatang pantao sa Pilipinas.

Nasaktan si Obama matapos na tahasang sabihin ni Duterte na “kabastusan” kung lelektyuran at sisitahin siya ng una sa kanilang paghaharap kaugnay sa mga serye ng patayan sa Pilipinas dahil sa anti-drug campaign ng Duterte administration.

Galit na galit si Duterte nang magtanong ang isang reporter kaugnay sa extrajudicial killings na maaaring isita sa kanya ni Obama sa kanilang bilateral talks. Banat ni Duterte, hindi dapat manghimasok si Obama sa pamamalakad at internal affairs ng Pilipinas at iginiit na makikinig lamang siya sa mga mamamayang Pilipino at hindi sa lider ng US. “Obama, sino siya?!,” payahag ni Duterte na sinundan ng pagmumura.

Sa halip na makipag­pulong kay Duterte, sinabi ng tagapagsalita ng White House National Security Council na si Ned Price na pinaplano nila na makipagkita na lamang si Obama kay South Korean President Park Geun-hye.

Dahil dito, nagsisi naman umano ang Pangulo sa mga binitawang salita nito kay Obama.

Sa inilabas na statement, sinabi ng Pangulo na ikinalungkot niya na ang nasabi niyang mga komento ang sanhi upang makansela ang kanilang bilateral meeting ni Obama.

“Our primary intention is to chart an independent foreign policy while promoting closer ties with other nations, especially the US with which we have had a long standing partnership,” paliwanag ni Duterte.

“We look forward to ironing out differences arising out of national priorities and perceptions, and working in mutually responsible ways for both countries,” dagdag ng statement.

Bunsod nito, kapwa umano nakapagdesisyon ang Pilipinas at US na iurong sa ibang araw ang bilateral meeting nina Duterte at Obama.

Inilabas ni Duterte ang pahayag bago ang pormal na pagsisimula ng 28th at 29th ASEAN Summit kahapon ng umaga sa Laos.

“President Duterte (today) affirmed that he continues to value the alliance with the United States, noting that both our countries share common goals in their pursuit of the war against drugs, terrorists, crime and poverty,”ayon naman sa statement ng Department of Foreign Affairs kahapon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with