^

Bansa

Obama, sino ba siya? - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

‘Mga Pilipino lang ang susundin ko’ 

MANILA, Philippines - Walang sinuman ang may karapatan na lektyuran ang Pangulo ng Pilipinas kahit si United States President Barack Obama pa kaugnay sa extra judicial killings.

Ito ang matapang na pahayag ni Pangulong Duterte sa media interview bago siya tumulak kahapon patungong Laos mula sa Davao International Airport.

Kaya sa tanong ng isang reporter, sinagot ng Pangulo ang “Obama, sino ba siya?

“This is an independent country. Nobody has the right to lecture on me. God, do not do it. I do not want to pick a quarrel with Obama but I won’t appear to be beholden by anybody,” paliwanag pa ni Duterte sa media interview.

Aniya, matagal nang isang Republika ang Pilipinas at hindi siya maninikluhod kaninuman maliban na lamang sa mga Pilipino na naglalakad sa Quiapo.

Magugunita na kinumpirma ng White House na magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at Obama sa sideline ng ASEAN Summit.

“My country might be small and hardly keeping up with the economic problems, pero hindi ako papayag na insultuhin ang PH. I do not want to pick a quarrel with (US Pres) Obama...am answerable only to Filipinos...nobody has right to lecture to me,” dagdag pa ni Duterte.

Aniya, kapag ni-lecturan siya ni President Obama ukol sa human rights at extra judicial killings sa kanilang bilateral talks ay sinisiguro niya na “magkakababuyan” sila ng US president kapag ginawa umano sa kanya ito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with