^

Bansa

Banta ni Digong: ‘Pinas kakalas sa UN!

Rudy Andal at Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na magwi-withdraw na ang Pilipinas bilang miyembro ng United Nations (UN) sa gitna ng panawagan ng mga UN human right experts na itigil ng gobyerno ang extra judicial killings.

Sa pulong balitaan sa Davao City kahapon ng madaling-araw, hindi naitago ni Pangulong Duterte ang galit nito dahil sa patuloy na pakikialam ng UN sa state affairs ng Pilipinas.

Iginiit ni Duerte na da­pat ay sumulat ang UN sa kanya kaugnay sa isyu sa extra judicial killings at hindi ‘yong binanatan siya sa pamamagitan ng public statement.

Ayon kay Duterte, da­pat bago gumawa ng statement ang UN ay binerepika nila ito at nagpunta sa Pilipinas.

 “You have fallen short of the protocol needed to respect, you must be a s***. You did not follow the basic rudiments of protocol,” diin ng Pangulo.

“Maybe well just have to decide to separate from the UN kung ganyan kayo kabastos p***** e umalis na kami diyan sa inyo,” maanghang na pahayag ng Pangulo.

Binanatan pa ni Du­terte ang UN dahil sa kakulangan ng aksyon na mapatigil ang karahasan sa Syria kung saan sinisi pa nito ang Estados Unidos.

“I don’t see anybody from this stupid body complaining about the stench of death” in Syria,” anang Pangulo.

“You now, United Nations, if you can say one bad thing about me, I can give you 10. I tell you, you are an inutile. Because if you are really true to your mandate, you could have stopped all these wars and killing,” dagdag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, ma­aari namang bumuo ng grupo ang mga bansa kung aalis ang Pilipinas sa UN. Pero dapat umanong ibalik muna ng UN ang naging kontribusyon ng Pilipinas bago umalis ang bansa sa naturang grupo.

Kinuwestyon pa ng Pangulo ang UN kung talaga bang “united” ito kung saan alam umano ng UN na mag-umpisa ng giyera pero hindi naman nito alam tapusin.

Bunsod nito, hinamon ni Duterte ang mga UN experts na pumunta sa Pilipinas para sa public “conference” kaugnay sa isyu ng extra judicial killings.

Sinabi ni Duterte na handa siyang sumagot sa lahat ng katanungan ng UN human rights experts kaugnay sa drug war ng Pilipinas pero iginiit nito na kailangan din niyang magtanong sa mga kinatawan ng UN sa gagawing ‘kumperensya’ na bukas sa media at publiko.

“Extra-judicial killings, I will do the explanation in public, for international release if you want. I am willing to answer. I assume full responsibility for what happened because I was the one who ordered it,” dagdag ng Pangulo.

Nitong Biyernes, ina­kusahan ng UN special rapporteur na si Agnes Callamard sa Twitter post nito na handa niyang imbestigahan ang mga pagpatay sa Pilipinas. 

Sa kasaysayan, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na lumagda sa 1945 United Nations charter,  ang isa sa apat lamang na Asian nations na nakiisa sa UN charter at isa ring aktibong tagasuporta ng peacekeeping at humanitarian development program ng UN.

Si dating Foreign Mi­nister Carlos P. Romulo, isang mediaman ay ang kauna-unahang naging permanent representative ng Pilipinas sa UN at Pangulo ng UN Assembly.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with