^

Bansa

Pinakamataas sa kasaysayan: 91% trust rating kay Digong!

Ellen Fernando at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kauna-unahan sa kasaysayan ng mga umupong Pangulo ng Pilipinas, nakakuha ng pinakamataas na 91 porsyento na trust rating si Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte mula sa publiko.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, may 0.2% lamang ang hindi nagtitiwala at iilan din ang hindi makapagsabi kung nagtitiwala sila o hindi. Umaabot naman sa 91% o halos lahat ng mamamayang Pilipino ay nagtitiwala kay Pangulong Rody.

Ang nasabing survey ay isinagawa sa may 1,200 res­pondents noong Hulyo 2-8 matapos ang panunumpa ng Pangulo sa Malacañang.

Ang survey ay may ± 3-percent error margin sa 95-porsyentong  confidence level.

Nakakuha ng mataas na rating sa lahat ng social classes, sa ABC (89 percent) at DE (92 percent).

Samantala, si Vice President Leni Robredo ay mas pinagkakatiwalaan din sa social class D (64%) kumpara sa classes ABC (53 %) at E (61%). Siya ay nakakuha ng trust rating na 62 percent.

Lumalabas din sa survey na 35% ang nagtitiwala kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno habang 19% ang hindi nagtitiwala. May 42% ang undecided para kay Sereno.

Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa malaking pagtitiwala sa kanya ng publiko matapos makakuha ng 91 % trust rating.

Ayon Kay Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar, magsisilbing inspirasyon ng Pangulo ang malaking pagtitiwala ng taumbayan sa kanyang pamumuno upang matupad ang tunay na pagbabago na inaasam ng bawat Pinoy.

 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with