^

Bansa

Mga biyahe kinansela kay ‘Butchoy’

Butch Quejada, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa bagyong But­choy, kinansela ng dalawang kumpanya ng domestic airlines ang paglipad ng kanilang eroplano sa Basco, Batanes kahapon.

Ayon sa ulat, ang PAL Express flight 2P-2084 na may biyaheng Manila-Basco at pabalik nito ay kinansela. Gayundin, ang eroplano ng SkyJet na may flight M8-819 Manila-Basco at pabalik ay kanselado rin.

Sa ulat ng PAGASA, napanatili ng bagyong But­choy ang kanyang lakas habang palabas ng Pilipinas papunta sa direksyon ng Taiwan .

 Alas-11 ng umaga kahapon, si Butchoy ay namataan ng PAGASA sa layong  235 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Itbayat Batanes  taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 220 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng ha­ngin na umaabot sa  255 kilometro bawat oras.

 Si Butchoy ay kumikilos  pakanluran hilagang kanluran sa  bilis na  20 kilometro bawat oras.

 Bunga nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang 2 sa Batanes Group of islands  at signal number 1 sa Calayan at Babuyan Group of Islands . Ang mga lugar na ito ay makakaranas ng masu­ngit na panahon at mga pag-uulan kaya’t dapat mag-ingat ang mga residente dito.

 Ngayong Biyernes, si Butchoy ay inaasahang nasa layong  nasa 305 kilometro ng hilaga hila­gang silangan ng Itbayat, Batanes at sa Sabado ay nasa layong 640 kilometro ng hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes saka papuntang Taiwan o palabas ng bansa.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with