^

Bansa

Sa pag-veto sa Comprehensive Nursing Law PNoy manhid, walang puso! - Solons

Gemma Garcia, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hanggang sa huling sandali ng panunungkulan ni Pangulong Benigno Aquino III ay ipinakita pa rin nito ang pagiging manhid ng i-veto nito ang House Bill 5540 o Comprehensive Nursing Law para itaas ang antas ng mga nars sa buwanang minimum salary na P25,000.

Sinabi ni outgoing Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na trademark na talaga ni PNoy ang pag-veto ng mga panukalang batas na mapapakinaba­ngan ng taumbayan tulad ng pagtataas sa sweldo ng mga nurse gayundin ang SSS pension hike bill.

Habang nakakadismaya naman umano ng suportahan nito ang bonuses ng SSS board at taas sahod ng mga opisyal ng gobyerno.

Giit ni Colmenares, hanggang sa huling sandali sa puwesto ay ipinakita ni Aquino ang pagiging manhid, “anti-poor” at “anti-people”.

Para naman kay incoming Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, sadyang malupit at walang puso si Aquino dahil nagawa pang i-veto nito ang nursing law kahit dalawang linggo na lamang siya bago umalis sa Palasyo. Aniya, bukod sa dagdag suweldo, nakapaloob sa panukala ang pagpapabuti sa nursing practice para matigil ang exploitation sa mga nurse na kadalasang napipilitang sumailalim sa volunteer work schemes.

Kinondena rin ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang pagbalewala at pag-veto ng dagdag-sahod ng nars ni PNoy, na naglalarawan bilang “anti-workers.” “Kung may isang legacy ang pag­labas sa pagka-pangulo Aquino maaaring angkinin ay ang pare-pareho at walang tigil na kawalang-damdamin laban sa ating masang anakpawis at mga mahihirap.

Kahit sa kanyang huling gawain bilang Pangulo, siya ay mabagsik na parang walang malasakit sa kagyat na pangangailangan at mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” ani Zarate.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with