Tuition fee hike sa Catholic schools, tama lang – CEAP
MANILA, Philippines - Binigyang katuwiran ng Catholic Education Association of the Philippines (CEAP) ang ipinatupad na tuition fee increase ngayong pasukan ng klase sa mga Catholic schools sa buong bansa.
Ayon kay Bro. Narciso Erguiza Jr., presidente ng CEAP, ang tuition fee increase ay para makasunod ang mga Catholic schools sa salary standardization law sa mga guro.
Hindi maikakaila, ayon kay Erquiza na mas maraming guro ang nae-engganyo na magturo sa mga pampublikong eskwelahan kaysa sa mga pribado dahil sa magandang alok na pasuweldo.
Iginiit na kinakailangan din na ipatupad ang tuition fee increase para mapanatili ng mga pribadong eskwelahan ang mataas na antas ng kwalidad ng edukasyon. Bukod dito, sinabi ni Erquiza na tumaas na rin ang presyo ng mga school supplies.
Una nang inaprubahan ng Department of Education ang pagpapatupad ng tuition fee increase sa mahigit 1,200 na pribadong eskuwelahan.
Base sa rekord ng CEAP, aabot naman sa mahigit 1,300 Catholic schools ang nasa buong bansa.
- Latest