^

Bansa

Performance audit ikinakasa vs labor attachés

Marichu A. Villanueva1 - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinakasa na ng Du­terte administration ang performance audit sa mga labor attaché upang makita kung sino sa kanila ang mga hindi nagtatrabaho.

Ayon kay outgoing Congressman at incoming Labor Secretary Silvestre Bello III, magsasagawa siya ng perfromance audit sa lahat ng labor attaches para mapalitan na ang mga hindi nakakapagtrabaho ng maayos.

Ang hakbang ng pa­­parating na administrasyon ay kasunod ng natanggap nilang mga sumbong na maraming labor attaché ang hindi inaasikaso ang mga overseas Filipino workers (OFW) na lumalapit para humingi ng tulong.

“Alam naman nating maraming nagiging biktima ng exploitation, harassment, ng mga recruitment agencies. Kukunin ka, ito ang kontrata, ito ang gagawin mo, ito ang sweldo mo pero pagdating mo, iba na. Nakaltasan na ang sweldo mo, masama ang trato ng amo mo sa iyo’t di ka inaalagaan ng ating mga labor attachés diyan,” ani Bello.

Patunay na umano rito ang maraming kaso ng mga Pilipinong biktima ng exploitation ng mga recruitment agency na pinababayaan rin ng labor attachés sa iba’t ibang bansa.

Sinabi ni Bello na bubuo rin ang DOLE ng isang task force upang tuluyang malansag ang mga illegal recruiters sa bansa.

Hihilingin din ni Bello sa Kongreso na repasuhin ang mga batas tungkol sa illegal recruitment para magkaroon ng mas mabigat na parusa sa mga lalabag dito. (Gemma Garcia/Rudy Andal)

vuukle comment

NATIONAL HERITAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with