^

Bansa

Villar: Reclamation sa Manila Bay, magdudulot ng baha

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela si Sen. Cynthia Villar sa papasok na administrasyon na huwag nang ituloy ang balak na reklamasyon ng Manila Bay upang pagtayuan ng bagong international airport.

Sinabi ni Sen. Villar, kilalang advocate ng environmental protection, na masisira ang Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Eco-Tourism Area (LPPCHEA) sa sandaling magkaroon ng reklamasyon ng Manila Bay.

Para mahinto ang balak na ito, naghain ng petisyon noong Marso 16, 2012 sa Korte Suprema si Villar at ilang residente ng Las Piñas  upang makakuha ng Writ of Kalikasan.

Dismayado si Villar na muling nauungkat ang airport project sa naturang lugar matapos hindi matuloy sa ilalim ng Aquino administration ang panukala na magtayo ng bagong airport sa Manila Bay.

Base sa isang ulat, hinimok ni  re-elected Parañaque Mayor Edwin Olivarez si President-elect Rodrigo Duterte na isulong ang panukalang  $13-billion international airport sa Manila Bay.

Sa ilalim nito, gagamitin ang 157 ektarya mula sa Freedom Island. Iginiit ni Villar na taliwas sa sinasabi ni Olivarez, ipinanukala ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang Sangley Point sa Cavite bilang magandang lugar para pagtayuan ng airport at hindi sa Manila Bay sa Parañaque.

“I appeal to President-elect Duterte to look beyond the claim of decongesting existing airports and realize that the planned reclamation will cause flooding as high as 8 meters in Parañaque, Las Piñas and Cavite. It will also deprive 300,000 fishermen of their livelihood. Attracting tourists and investors should not be proposed at the expense of the Constitutionally-guaranteed rights of citizens for a safe and secure environment to live in,” dagdag pa niya.

 Idineklara ang LPPCHEA bilang critical habitat at protected area sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1412 and 1412-A in 2007. Ito ang kauna-unahang critical habitat sa bansa. Ang  LPPCHEA na sumasakop sa may 175 ektarya ng wetland ecosystem ay binubuo ng dalawang isla-- ang Freedom Island at Long Island.

FREDERICK GO

ROBINSONS LAND CORP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with