^

Bansa

Pinakamalaking telecoms fair handa na

Lawrence Agcaoili - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang pinakamalawak na koleksyon ng cellphone units at gadgets ay matutunghayan sa pagtatanghal ng 23rd Telecommunications and Accessories Fair, ang pinakamalaking kaganapan sa kanyang uri sa bansa mula Hunyo 10 hanggang Hulyo 4 sa Greenhills Shopping Center sa Ortigas Avenue, San Juan City.

Ang fair ay lalahukan ng 1,400 participants, na ang karamiha’y importers, manufacturers, mall suppliers, traders, wholesalers at retailers na mga negosyanteng may sapat na karanasan sa kani-kanilang larangan at ang hangarin ay bigyan ng halaga ang ginagastos ng mga customers sa pagkakaloob ng de-kalidad na produkto at serbisyo sa abot-kayang halaga. 

Ang nasabing bazaar, bukod sa pagbebenta ng pinaka-latest  at top-of-the-line cellphone units ay may iba pang items na mabibili sa fair ay RTWs, bags and luggages, novelty items, collectibles and corporate giveaways, footwear, jewelry, ornamentals at mga pagkain.

Sa loob ng 26 araw na tatagal ang fair, na inorganisa ng Prime Asia Trade Planners and Convention Organizers na pinamumunuan ni Henry G. Babiera, ang eletistang imahen ng shopping center ay pansamantalang isasantabi muna upang magkaroon ng imaheng masa o tinaguriang tianggehan na kahanay ng Divisoria-style bargain hunters haven para sa mga mamimili.  Sa kanyang pagpapatakbo ng Greenhills Tianggehan simula nung 1999 na may iba’t ibang konsepto tuwing ikalawang buwan, tinulungan ni Babiera na mapayabong ang karera ng mga nagsisimulang negosyante sa pamamagitan ng paghihikayat niyang magtayo ang mga ito ng stalls at pagbibigay niya ng pointers na i-source ang mga kalakal mula sa manufactu­rers, exporters at wholesalers.

EL NIñO

ELECTION SPENDING

INFLATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with