^

Bansa

Libro, classroom para sa SHS students handa na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handa na ang mga gagamiting libro at classroon ng mga estudyante sa pagbubukas ng School Year 2016-2017, partikular na sa pagpasok sa paaralan ng unang batch ng
Grade 11 students.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary at Spokesman Tonisito Umali, all system go na ang kagawaran sa full implementation ng K-12 program ng pamahalaan.

Sa ngayon, ani Umali ay isinailalim muna nila ang mga textbooks sa mga pagrebyu upang matiyak na tama ang nilalaman ng mga ito.
Pagtitiyak pa niya, makakaasa ang publiko na ang lahat ng textbooks at mga learners’ materials ay ‘very competently-written.’

“We should be okay. Nagkaroon tayo ng textbook call,” aniya pa.

Maging ang mga silid-aralan para sa SHS ay handa na rin aniya. Mayroon pa aniyang mga under construction ngunit malapit nang matapos ang mga ito upang magamit ng mga mag-aaral.

Maging ang mga si­lid-aralan sa elementary at junior high school ay kumpleto na rin aniya.

Aniya, noon ay nasa 1:70 ang ratio ng silid-aralan sa mga estud­yante, ngunit hindi na nangyayari ang mga ito sa ngayon.

Ang national average aniya noong 2014-2015, classroom to student ratio ay 1:34 sa elementary habang 1:48 naman sa junior high school o secondary level.

Kumpiyansa rin si Umali na magiging maayos ang pagbubukas ng klase sa mga public schools sa Hunyo 13.

Nabatid na simula nitong Hunyo 6 ay may pailan-ilan nang private schools na nagbukas ng klase at naging maayos naman umano ito.

KALIKASAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with