^

Bansa

Discount sa mag-aaral sa pasukan, ibigay-LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng mga tsuper ng mga pampasaherong sasakyan ang pagkakaloob ng 20 porsyentong diskuwento sa lahat ng mga mag-aaral ngayong pasukan.

Alinsunod sa Memorandum Circular  2011-004, ang lahat ng public utility operators ay dapat magbigay ng 20 percent discount sa mga mag-aaral na nag-enrol ngayong pasukan para sa elementarya,high school, collegiate schools kasama na ang academic, vocational o technical schools sa bansa.

Hindi naman kasama sa bibigyan ng discount ang mga estudyante sa dancing at driving schools, short term courses ng seminar type gayundin ang  Post-Graduate studies  tulad ng kumukuha ng medicine, law, masteral, doctoral degrees at iba pang kahalintulad na kurso.

“Maliwanag na ang sinasabing diskuwento ay para lamang sa mga piling mag-aaral, hindi na kasama ang mga nag-aaral ng medisina, abogasya, masteral, doctorate, o iba pang kurso na kaparehas na mga nabanggit. Sa oras na may pagdududa, maaaring ipakita ng mag-aaral ang kanyang school ID o Certificate of Registration.”pahayag ni LTFRB boardmember Ariel Inton.

NATIONAL UNITY PARTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with