Bagong local officials sasanayin ng DILG
MANILA, Philippines – Bagama’t nalalapit na ang pagtatapos ng termino ng Aquino administration, nais ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ang papalit na mga bagong opisyal ng lokal na pamahalaan ay handa sa maraming hamon at responsibilidad para pamahalaan ang kanilang mga puwesto.
Kaya bilang paniniguro, isang “capacity development program” para sa mga local government units (LGUs) ang inihanda ni Interior and Local Gov’t Secretary Mel Senen Sarmiento upang i-develop ang kanilang mga kapasidad sa sandaling makapanumpa na sila bilang bagong elected officers sa Hunyo 30.
Ayon kay Sarmiento, ang NEO program ay may ilang components, tulad ng pagbuo ng transition teams sa bawat LGU na mamamahala para sa paghahanda ng transition documents at briefing schedules para sa turnover ng LGU operations at ang pagtuon sa paghahasa sa management competencies at leadership skills ng bagong halal na opisyal.
“This will help them in formulating their First 100 days agenda and a localized Social Contract,” ani Sarmiento.
Sa pamamagitan nito, matuturuan ang mga bagong opisyales na bumuo ng LGU development plan tulad ng comprehensive development plan (CDP); comprehensive land-use plan (CLUP); executive-legislative agenda (ELA), and capacity development agenda (CDA),” giit ni Sarmiento.
- Latest