^

Bansa

DepEd, ‘all systems go’ na sa K-12

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handang-handa na ang Department of Education (DepEd) sa buong implementasyon ng K to 12 program ngayong school year 2016-2017.

Ayon kay DepEd Usec. Tonisito Umali, sa kabila ng mga kritisismo at pagkuwestiyon na kanilang natatanggap ay “all systems go”  na sila sa pagpapatupad ng programa.

“’Pag sinabi po nating handa ... sa isang malaking plano katulad po nitong (K-12) program, mayroon po tayong timeline or mga  milestones bawat buwan, bawat linggo ng buwan ay dapat meron tayong nakikita na nangyayari,” ani Umali.

Tiniyak pa ni Umali na handa na rin sila sa pagbubukas ng klase sa Grade 11 sa Hunyo 13.

Sa ngayon aniya, patuloy pa nilang isinasailalim sa pagsasanay ang kanilang mga guro at inaasahang matatapos ito sa Hunyo 13.

“We are on the right track ...with respect to hiring our teachers. As we speak, we are training them,” aniya pa.

Sa isyu naman ng kakulangan ng silid-aralan, sinabi ni Umali na may karagdagang 23,000 silid-aralan pa silang isinasailalim sa konstruksyon ngayon para sa Grade 11 lamang.

Aniya, malaking bilang ng mga naturang silid-aralan ay natapos na habang ang iba pa ay under construction na inaasahang makukumpleto ng tatlong linggo pa matapos ang pagbubukas ng klase.

Tiniyak ni Umali na walang dapat na ikabahala hinggil dito dahil may mga itinalaga na silang pansamantalang silid-aralan para sa mga Grade 11 students.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with