SALN ng SC justices inilabas
MANILA, Philippines - Inilabas na ng Korte Suprema ang summary report kaugnay ng yaman o Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng 15 mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman. Lumalabas na pinakamayamang mahistrado pa rin si Associate Justice Francis Jardeleza na may Networth na 249.68 million pesos.
Higit P135 milyon naman ang networth ni Associate Justice Mariano del Castillo, pero kasama na sa halagang ito ang assets ng misis na si Dating Ateneo Law Dean Cynthia Roxas-Del Castillo.
Ang pinakabagong mahistrado na si Alfredo Benjamin Caguioa ay may networth na P117.17 milyon habang si Sr. Associate Justice Antonio Carpio ay may kabuuang P81.92 milyong yaman, at si Associate Justice Bienvenido Reyes ay may networth na higit P77 milyon.
Aabot naman sa P76.5-M ang networth ni Associate Justice Estela Perlas Bernabe makaraang madagdagan ng P1.5-M ang kanyang yaman noong 2015.
Higit P39-M naman ang networth ni Associate Justice Diosdado Peralta habang tumaas sa P37.32-M ang networth ni Associate Justice Jose Mendoza, at si Associate Justice Lucas Bersamin ay mayroong networth na P29.15-M. Naitala sa P22.17-M ang kabuuang networth ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, mas mataas ito ng P2.5-M kumpara sa kanyang yaman noong 2014.
Nasa P20.26-M naman ang networth ni Associate Justice Arturo Brion, at si Justice Presibitero Velasco ay may P14.75-M. Si Justice Jose Perez ay may networth na P14.12-M, habang si Associate Justice Teresita de Castro naman ay may yaman na mahigit P14-M.
Pinakamahirap namang mahistrado si Associate Justice Marvic Leonen na may networth na P2.26 milyon.
- Latest