Mga babaeng anak magpabakuna – DOH
MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak na babae na may edad 10-12 kontra sa Human Papilloma Virus (HPV), ang sakit na nauuwi sa cervical cancer sa hanay ng mga kababaihan na nagiging ugat ng kamatayan.
Ayon kay Health Sec. Janette Garin na sa halip na magdusa dahil sa epekto ng HPV ay mas mainam na pabakunahan ang mga bata sa naturang edad dahil maaari naman itong maiwasan. Libre aniyang naipagkakaloob ng DOH ang naturang bakuna para sa lahat ng mga health centers sa buong bansa sa ilalim ng National Immunization Program ng DOH. Layunin ng programa na mailayo ang mga kababaihan hindi lamang sa HPV kundi sa iba pang sakit tulad ng genital warts, vaginal at anal cancers.
Batay sa datus ng DOH, ang cervical cancer ang pangalawa sa mga nangungunang sakit ngayon na ikinamamatay ng mga Pilipina.
- Latest