^

Bansa

Marcos namimingwit ng ebidensya - Macalintal

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mahina ang aku­sas­yon ni Sen. Ferdinand Marcos na nagkaroon ng dayaan sa nakaraang halalan, ayon sa abogado ng nangungunang vice presidential candidate na si Rep. Leni Robredo.

Ayon kay Romy Macalintal, lead legal counsel ni Robredo sa bilangan ng boto sa Kongreso, lumitaw sa privilege speech ni Marcos na mahina ang pagkilos nito para sa hinihinging system audit ng automated election system (AES) na ginamit ng Commission on Elections (Comelec) noong May 9.

“Upon interpellation by Sen. Bam Aquino, Marcos admitted he has no evidence of massive cheating in the transparency server (TS),” ani Macalintal.

Para kay Macalintal, ang pahayag na ito ni Marcos ay patunay lang na namimingwit lang siya ng ebidensiya ng iregularidad sa VP race.

“He is not sure whether the cosmetic change in the transparency server affected only the VP that’s why he wanted the said system audit,” dagdag pa niya.

Maliban dito, sinabi ni Macalintal na umamin din si Marcos na ang mga hawak niyang patunay ay mga ebidensiya umano ng pagbili ng boto o di kaya’y mga botante na hindi pinayagang maka­boto dahil sa terorismo sa kanilang lugar.

Para kay Macalintal, ang isyu ay hindi para sa Kongreso, bilang National Board of Canvassers, na talakayin at pagpasyahan dahil ang trabaho nito ay nakatuon lang sa pagbasa ng certificates of canvass (COCs) na tinanggap mula sa Provincial Board of Canvassers.

DEATH ROW

JONARD LANGAMIN

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with