^

Bansa

Kaso pa vs Smartmatic, Comelec rep isasampa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Plano ng kampo ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na maghain ng isa pang kasong kriminal laban sa mga executives ng Smartmatic at sa isang Information Technology representative ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa hindi awtorisadong pagpapalit ng script sa transparency server ng  poll body noong gabi ng nakaraang eleksyon.

Ayon kay Atty. Jose Amor Amorado, pinuno ng Bongbong Marcos (BBM) Quick Count Center, maghahain sila bukas sa Manila Prosecutor’s Office ng reklamo dahil sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2010 (RA 10175).

Aniya, pinapatawan ng parusa sa nasabing batas ang mga paglabag na nakaka-apekto sa “confidentiality, integrity at availability ng computer data kabilang na ang  ilegal na pag-access sa anumang bahagi ng computer system.

May sapat umano silang ebidensiya upang maparusahan ang mga Smartmatic executives at Comelec IT representative base sa mga public documents at pahayag mismo ng Comelec na ang ginawa nilang pakikialam ay hindi awtorisado.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with