^

Bansa

Luneta inihahanda pa rin sa inagurasyon ni Digong

Evelyn Macairan - Pilipino Star Ngayon
Luneta inihahanda pa rin sa inagurasyon ni Digong
Ibig sabihin nito, kahit ipinahayag na ng kampo ni Duterte na ayaw ni Ma­yor Duterte na magkaroon ng grand inauguration sa Quirino Grandstand, me­ron pa ring posibilidad na magbago siya ng isip at pumayag na ring isa­gawa ang makasaysa­yang kaganapan sa Luneta na tulad ng ginawa ng nagdaang mga presidente ng bansa.
Kristine Joyce W. Campaña

MANILA, Philippines – Irereserba pa rin ng National Parks Develop­ment Committee ang Quirino Grandstand sa Luneta sa Hunyo 30 kung sakaling dito isagawa ang seremonya ng inagurasyon ni presumptive president Rodrigo Duterte bagaman nauna nang nagpahayag ito na mas nais nitong magkaroon ng simpleng inagurasyon sa Malacañang.

Sinabi ni NPDC Permit Section Head Flor Buclatin na,  sa loob ng 40 araw bago manumpa sa tungkulin ang susunod na presidente ng bansa, maraming puwedeng mangyari.

Ibig sabihin nito, kahit ipinahayag na ng kampo ni Duterte na ayaw ni Ma­yor Duterte na magkaroon ng grand inauguration sa Quirino Grandstand, me­ron pa ring posibilidad na magbago siya ng isip  at pumayag na ring isa­gawa ang makasaysa­yang kaganapan sa Luneta na tulad ng ginawa ng nagdaang mga presidente ng bansa.

Sa katanghalian ng Hunyo 30, si Duterte ang magiging pang-16 na presidente ng bansa.

“Inireserba na namin ang Hunyo 30 para sa inagurasyon. Tinanggihan namin ang ibang mga booking para sa araw na iyon para nakahanda ito kung sakaling ipasya nilang idaos ang inagurasyon sa Quirino Grandstand,” paliwanag ni Buc­latin. Itinala na nila ito o inireserba para hanggang sa Hunyo 30.

Binanggit pa ng NPDC official na karaniwang ang mga malalaking okasyon ay inirereserba tatlong buwan bago ito ganapin.  Umaasa sina Buclatin na, kung magbabago si Mayor Duterte ng plano, sana ay masabihan sila nang isa o dalawang linggo bago ang inagurasyon.

Ipinahiwatig niya na hindi sila mahuhuli sa paghahanda dahil unti-unti na nilang nililinis ang Quirino Grandstand  para na rin sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

“Mas maganda kung gagawin dito sa Quirini Grandstand ang inagurasyon ng bagong presi­ddente para maging bahaging ito muli ng kasaysayan. Pero, siyempre, nasa desisyon na iyan ni Mayor Duterte. Pero magiging handa na rin para sa kanya ang Quirino Grandstand,” dagdag niya.

Pitong presidente ng Pilipinas ang piniling manumpa sa Quirino Grandstand na dating tinatawag na Independence Grandstand. Kabilang dito sina dating Pangulong Elpidio Quirino (1949), Ramon Magsaysay (1953), Carlos Garcia (1957), Diosdado Macapagal (1961), (Ferdinand Marcos (1965, 1969, 1981). Fidel Ramos (1992) at ang kasaluku­yang pangulo na si Benigno Aquino III (2010).

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with