Canvassing ng Kongreso ikakasa na! Sa presidential at VP race
MANILA, Philippines – Magsasama sa susunod na linggo ang Senado at House of Representatives upang i-convene ang National Board of Canvassers (NBOC) na magpoproklama sa mga nanalong kandidato sa pagka-presidente at bise presidente ng bansa noong nakaraang eleksiyon.
Ayon kay Senate Secretary Oscar G. Yabes, ang dalawang kapulungan ng Kongreso ang bubuo sa NBOC para magbilang ng mga boto sa nakaraang presidential at vice-presidential race sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso.
Sinabi ni Yabes na sa Lunes, uunahin muna ng mga senador ang pagpasa ng ilang panukalang batas sa ikatlo at huling pagbasa at sa susunod na araw sila magtutungo sa House of Representatives para sa pagbuo ng NBOC.
“Sa Mayo 23 tatapusin muna ng Senado ang mga trabaho nito at ipapasa sa pangatlong pagbasa ang ilang panukalang batas sa huling yugto ng enactment. Sa susunod araw, tutuloy sila sa House para sa pagbuo ng NBOC,” paliwanag ni Yabes.
Pagtitibayin ng Senado at Kamara sa pangunguna nina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang resolusyon para sa joint public session sa May 24, na gagawin sa House of Representatives building sa Quezon City.
Sa joint session bubuuin ng dalawang kapulungan ang mga rules para sa canvassing at bubuin ang Senate at House panels na kakatawan sa Joint Canvassing Committee.
Ang nasabing komite ang magsasagawa ng actual na pagbibilang ng boto na inaasahang pormal na magsisimula sa Mayo 25.
Ang pagbibilang ng boto ng NBOC para sa susunod na presidente at bise presidente ay trabaho ng Kongreso na naaayon sa Konstitusyon.
Ang Commission on Elections ang tagabilang naman ng mga boto ng mga kandidatong senador at lokal na kandidato at nagproklama ng mga nanalo.
Batay sa unofficial at partial tally ng botohan sa presidente, nangungunguna si Davao Mayor Rodrigo Duterte. Nag-concede na sa kanya ang mga nakalaban niya sa halalang pampanguluhan na sina Sen. Grace Poe, Mar Roxas, at Jejiomar Binay. habang sa pagka-bise presidente ay nangunguna si Leni Robredo bagaman halos gitgitan sila ni Sen. Bongbong Marcos.
- Latest