^

Bansa

Purisima pinaaaresto

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaaaresto ng Sandiganbayan 6th Division si dating PNP chief Alan Purisima at mga kapwa nito akusado kaugnay ng kasong graft na isinampa laban sa kanila dahil sa umano’y maanomalyang courier service contract.

Kasama rin sa inilabas na warrant of arrest ang mga dating opisyal ng PNP na sina dating Director Gil Meneses, Chief Supts. Napoleon Estilles, Allan Parreño, Melchor Reyes, Ford Tuazon, at mga opisyal ng Werfast Documentary Agency Inc., na sina Mario Juan, Salud Bautista, Enrique Valerie, Lorna Perena at Juliana Pasia.

Una ng naglagak ng piyansa sina Raul Petrasanta, Eduardo Acieto, Lenbell Fabia, Sonia Calixto, Nelson Bautista at Ricardo Zapata Jr.

Itinakda ang pagbasa ng sakdal sa mga akusado sa Hunyo 20, alas-8:30 ng umaga.

Nag-ugat ang kaso sa pagpasok ng kontrata ng PNP sa Werfast para sa mandatory courier service ng mga lisensya ng baril.

Ang Werfast ay naningil ng P190 para sa Metro Manila at P290 sa labas ng Metro Manila para sa kanilang serbisyo.

Iginiit ng Ombudsman na ang kaparehong serbisyo na ibinibigay ng ibang kompanya sa Metro Manila ay nagkakahalaga lamang ng P90.

Kuwestyunable rin umano ang pagbibigay ng kontrata sa Werfast na hindi dumaan sa public bidding. Hindi rin umano ito  rehistrado ng ibigay dito ang kontrata noong Mayo 2011 bukod pa sa kawalan nito ng track record.

PANFILO LACSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with