^

Bansa

1986 walkout ‘wag hayaang maulit - Leni

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Huwag sanang maulit ang nangyari noong 1986.

Ito ang hiling ng nangu­ngunang vice presidential candidate na si Leni Rob­redo sa harap ng iba-ibang numero na pinalulutang ng kanyang katunggaling si Ferdinand Marcos Jr. ukol sa resulta ng bila­ngan.?

Ayon kay Robredo, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng taumbayan ang nangyari kung saan nag-walk-out ang mga tabulator dahil sa talamak na pandaraya sa halalan noong 1986.

 “Hindi ko alam kung saan patungo ang script na ginagawa nila. Sana lang walang balak na pandaraya. Kasi alam naman natin na may history na ganoon,” wika ni Robredo sa panayam sa Naga City.?

Nababahala si Robredo dahil iba ang bilang na ibinibida ni Marcos sa bilang ng kanyang kampo at maging ng Commission on Elections (Comelec), gayong sa iisang SD card lang nagmula ang mga ito.?

“Sana hindi ito precursor sa isang plano na hindi maganda,” wika ni Robredo.

Nag-aalala si Robredo na ito’y bahagi lang ng mind conditioning ng kampo ni Marcos dahil sa ngayon, malinaw na ang mga lumalabas na numero mula sa PPCRV at Comelec.

 “Sa akin lang. Sana wala silang binabalak na pandaraya na gagawin sa canvas­sing. Kasi yung wino-worry ko ngayon klaro naman ang numero pero parang mina-mind condition nila,” ani Robredo.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with