^

Bansa

Bagong PNP chief napili na

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakapili na si Pre­sident-elect Rodrigo Duterte ng susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP) sa katauhan ni Chief Supt. Ronald dela Rosa.

Inanunsiyo na kahapon ni Duterte sa Davao City na si dela Rosa ang napili niyang kapalit ni outgoing PNP chief Ricardo Marquez.

Bukod kay dela Rosa ay may dalawa pang pinagpilian na sina Chief Supt. Ramon Apolinario, officer-in-charge ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) at Sr. Supt Rene Aspera, hepe ng PNP-Anti-Kidnapping Task Force (AKG).

Kasalukuyang exe­cutive officer ng Directorate for Human Resources and Doctrine Development si dela Rosa sa Camp Crame na nagsilbi ding hepe ng Davao City Police Office mula Feb. 2012 hanggang Oct. 2013 at graduate ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1986.

Nagbabala naman si dela Rosa na dudurugin ang grupo ng mga kriminal sa buong bansa.

“We will crush you ba, oo hindi lang crush. We will bury you. We will bury, ililibing ko kayo,” mariing banta ni de la Rosa kaugnay ng palugit na 3-6 months na pagdurog sa mga kriminal.

“Yung kay Mayor naman sa shoot to kill order, tinyente pa ako sinusunod na natin yan, ang basis naman dun kapag lumaban at endanger yung life mo, kailangan patayin mo sila as self defense,” ani de la Rosa.

“ Kung ikaw pulis, papatayin mo kriminal para hindi ka mapatay hindi ba,” ayon pa sa incoming PNP Chief.

Pinasalamatan naman ni de la Rosa si Duterte sa pagtitiwala sa kaniya para maluklok na susunod na PNP Chief kapalit ni Marquez na nakatakda nang magsumite ng courtesy re­signation.

ALL CEBU SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with