‘Political enemies’ di ko ipakukulong - Digong
MANILA, Philippines – Hindi ipapakulong ni President-elect Rodrigo Duterte ang kanyang mga ‘political enemies’ kapag umupo na sa Malacañang sa ?June 30.
Ayon kay Mayor Duterte, hindi aabot sa punto na ipapakulong niya ang kanyang mga naging kalaban sa pulitika pero kukuwestyunin niya ang mga naging karibal sa pulitika.
“Maybe, when I sit as president, I will be asking, but I am not going to prosecute. I am not up to it, actually, going after political enemies,” dagdag niya.
Wika pa ni Duterte, sanay na siya sa mga pambabato ng kanyang kritiko dahil parte ito ng kaniyang trabaho at karapatan ito ng bawat Pilipino.
“’Yung criticisms, good or bad, true or not, is part of the territory of governance in public,” giit pa ng incoming president.
“I may disagree with what you say but I will defend your right to say it. We are in a democracy,” dagdag pa nito sa panayam sa kanya ni GMA 7 Jessica Soho.
Ilan sa mga nais niyang mangyari sa gobyerno ang pagkakaroon ng transparency upang makita ng publiko ang ginagawa ng mga opisyal.
- Latest