Ex- Philippine Constabulary, nilikida
May 18, 2016 | 12:00am
CAMARINES NORTE, Philippines – Pinabulagta ang 70-anyos na dating miyembro ng Philippine Constabulary makaraang pagbabarilin ng tatlong kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Sta. Teresita, bayan ng Bulan, Sorsogon, kamakalawa. Sa ulat na nakarating sa Camp Simeon Ola sa Legaspi City, nabatid na patungo sa igiban ng tubig ang biktimang si Jaime Camposano Fusana Sr. nang harangin at ratratin. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended