^

Bansa

Grace wagi sa SC!

Doris Franche-Borja at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinayagan ng Korte Suprema si Sen. Grace Poe na tumakbo bilang pangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo.

Sa botong 9-6, pinaboran ng mayorya ng mga mahistrado ang petisyon ni Poe na ibasura ang na­unang kapasyahan ng Commission on Elections (Co­melec) na idineklarang hindi kwalipikado ang senadora na tumakbo bilang pangulo dahil sa isyu ng residency at citizenship.

Bumoto pabor kay Poe sina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, Asso­ciate Justices Presbitero Velasco, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Jose Perez, Jose Mendoza, Marvic Leonen, Benjamin Caguioa, at Francis Jardeleza.

Kumontra naman sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro, Arturo Brion, Mariano Del Castillo, Bienvenido Reyes at Estela Perlas-Bernabe.

Tinapos ng SC ang  limang round ng oral arguments sa petisyon ni Poe noong Pebrero 16, kung saan binigyan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang lahat ng panig na isumite ang kanilang mga komento at agad na malabasan ng resolusyon.

Si Poe na tumatakbo bilang independent candidate ay diniskuwalipika ng dalawang dibisyon ng Comelec bunsod na rin ng kakulangan sa 10-year residency requirements para sa isang presidential candidates.

Labis naman ang pasasalamat ni Poe sa desis­yon ng SC. Inamin ni Poe na naiyak siya matapos matanggap ang magandang balita kahapon sa mismong harap ng Quiapo Church.

Ayon kay Poe, narinig niya ang patapos ng balita tungkol sa desisyon ng SC habang ang kanilang sasakyan ay nasa may harapan na ng Quiapo Church.

Itinuturing ni Poe na isang “divine intervention” ang nangyari lalo pa’t natagpuan din siya sa loob ng isang simbahan sa Iloilo.

Inihayag rin ni Poe na itinuturing na niyang isang tagumpay ang desisyon ng SC kahit pa may 15 araw para maghain ng “motion for reconsideration” ang mga kontra sa kanyang pagkandidato.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with