Massive info sa Zika virus, kailangan
MANILA, Philippines – Bilang “malasakit” sa mamamayan, nanawagan kahapon si senatorial candidate at Leyte Rep. Martin Romualdez sa mga local government units at health officials sa bansa na palawigin ang pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa nakamamatay na Zika virus.
Ang Zika virus ay kinokonsidera na ngayong largest global health crisis matapos na lumitaw ang kinatatakutang Ebola virus na nagmula sa Eastern Africa nuong 2014.
Ayon kay Romualdez, ang regular na pagpapakalat ng impormasyon ay napakahalaga at huwag itong ipagwalang bahala na posibleng maging malaking problema sa kinakaharap sakaling hindi kaagad na maipaabot sa kaalaman ng mamamayan ang epekto ng nakamamatay na virus.
Nanawagan din si Romualdez sa Department of Health (DoH) at LGUs kabilang ang publiko na magsanib puwersa para magsagawa ng isang malawak na kampanya laban sa Zika virus.
“The government can’t do it alone. This big battle against this Zika virus needs the cooperation of each and every Filipino family we should not be caught flat-footed by this deadly disease,” ani Romualdez na siyang head ng House Independent Bloc.
- Latest