^

Bansa

Bagatsing: ‘Krimen sa Maynila dudurugin namin ni Digong!’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dudurugin ni Manila Rep. at mayoralty candidate Amado Bagatsing ang lumulubhang kriminalidad at problema ng droga at iba pang krimen sa Maynila sa pakikipagtulungan kay PDP-Laban presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte.

Ang pahayag ay ginawa ni Bagatsing bilang reaksyon sa international crime index survey ng Numbeo na naglagay sa Maynila sa ikatlong puwesto sa pinaka-crime infested areas sa Pilipinas sa crime index score nitong  67.78. 

“Hindi nakapagtataka na lugmok na ang Maynila habang pinagpipiyestahan ng mga kriminal at mga tulak ng droga ang mga kaawa-awa na­ting kababayan. Hindi ko ito mapapayagan oras na maupong mayor ng Maynila,” wika ni Bagat­sing.

Sa harap ng napaka­taas na crime index sa Maynila kasunod ng Que­zon City (71.85) at Zamboanga City (68.23), sinabi ni Bagatsing na “may magandang ginagawa si Mayor Duterte para mapanatili ang peace and order sa Davao City dahil ang crime index nito sa Numbeo ay 20.08 lang.”

Ang surveys ng Numbeo kaugnay ng consumer prices, crime rates, kalidad ng health care at iba pang statistics ay madalas gamiting source ng mga pamosong media outlets tulad ng Forbes, The Economist, BBC, The New York Times, Time at The Telegraph.  

Inindorso ni Duterte ang kandidatura ni Bagat­sing, isang six-termer congressman.

“For the sake of our country, let Mayor Duterte be President because we need someone like him who backs his words with. I am happy that the Come­lec has dismissed the nonsense disqualification complaints against him,” sabi naman ni Bagatsing.

Isinama ng Numbeo ang Pilipinas sa 30 pinaka-crime infested countries sa buong mundo.

ACIRC

AMADO BAGATSING

ANG

BAGAT

BAGATSING

CRIME

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO

MAYNILA

MAYOR DUTERTE

NUMBEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with