^

Bansa

US forces, military assets idedeploy sa Pinas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Idedeploy sa mga istratehikong lugar sa bansa ang malaking bilang ng mga tropang Amerikano at mga gamit pandigma (assets and equipments) oras na simulan na ng Pilipinas ang pagho-host sa mga Amerikano sa ilalim ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ito ang nabatid matapos ang pahayag ni Defense Secretary Voltaire Gazmin sa pormal na turnover ce­remony ng 114 piraso ng M113A2 Armored Personnel Carriers (APCs) o mga tangke na donasyon ng Amerika sa Pilipinas.

Sinabi ni Gazmin na nais ng mga Amerikano na humimpil ang kanilang mga tropa sa Fort Magsaysay, Lumbia Airfield, Basa Air Base at iba pang military camp ng AFP sa Cebu na siyang paglalagyan ng kanilang mga eroplano at mga barkong pandigma.

Ayon kay Gazmin, ang nasabing mga kampo ng militar ang pansamantalang hihimpilan ng tropang Amerikano, military assets at iba pang mga itong kagamitan habang nasa bansa.

Ang naturang mga kampo ng AFP ay nasa mga istratehikong lugar sa bansa kabilang ang Fort Magsaysay sa Nueva Ecija; Basa Air Base sa Pampanga na nagbabantay sa Luzon; kampo sa Palawan na nagtatanod sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea  ng Pilipinas, China at iba pa.

Ang EDCA ay bahagi ng territorial defense strategy na pinagtibay ng Korte Suprema sa gitna na rin ng pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea.

AMERIKANO

ANG

ARMORED PERSONNEL CARRIERS

BASA AIR BASE

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

ENHANCE DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

FORT MAGSAYSAY

GAZMIN

MGA

PILIPINAS

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with