^

Bansa

‘Zika’ kasama sa pre-departure orientation seminar sa OFWs

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ideklarang international public health threat ng World Health Organization (WHO), isinama na rin ng Philippine Overseas Employment Admi­nistration (POEA) ang impormasyon sa Zika virus sa pre departure orientation seminar para sa OFWs.

Nilinaw naman ng POEA na sa ngayon ay ito pa lang muna ang kanilang maaaring gawin laban sa naturang virus dahil wala pa namang rekomendas­yon para sa deployment ban sa mga bansang apektado na nito.

Hinihintay pa rin umano ng POEA ang alert level laban sa Zika Virus mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Matatandaang kahit ang DFA ay hindi pa naglalabas ng travel advisory laban sa mga bansang may naitala ng kaso ng Zika tulad ng Central America, Latin America at Pacific Islands.

Ang DFA ang ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng rekumendasyon kung magpapatupad ng deployment ban ng OFW sa isang bansa.

ACIRC

ANG

CENTRAL AMERICA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HINIHINTAY

LATIN AMERICA

PACIFIC ISLANDS

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMI

WORLD HEALTH ORGANIZATION

ZIKA

ZIKA VIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with