^

Bansa

Senate report vs Binay, ‘panis’

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binalewala ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang partial report ng Senate Blue Ribbon Sub-committee kaugnay sa mga ibinabatong mga anomalya laban sa bise presidente.

Ayon kay Joey Salgado, tagapagsalita ni Binay at pinuno ng Office of the Vice President Media Affairs, ang partial report ng Senate sub-committee matapos ang 25 pagdinig sa isyu ng umano’y overpriced na pagpapatayo ng Makati City Hall Bldg II at sa alegasyon ng mga tagong yaman ay layunin lamang na sirain si Binay na itinaon pa sa kasagsagan ng survey at sa nalalapit nang halalan.

“Panis na ang report na ito. Pero isinalang ni Senator (Koko) Pimentel sa plenaryo dahil survey period ngayon,” ani Salgado.

Sinabi ni Salgado na bahagi lamang ito sa mga pag-atake sa Bise Presidente sa pangunguna mismo ng Liberal Party candidate at kanyang tagapagsalita sa Palasyo na sina G. Lacierda at Quezon.

Inirekomenda ng subcom ang paghahain ng kaso matapos ang sinasabing “proper proceedings” at sa tamang mga government agency.”

Iginiit ni Salgado na ito na ang sinasabi ni Binay sa simula pa lamang ng imbestigasyon, wala umanong kakayahan o awtoridad ang sub-committee na idetermina ang kanyang “criminal liability”. Malinaw umano na ginawa ang Senate investigation “in aid of demolition” at hindi “legislation”.

Binigyang-diin pa ng kampo ni Binay na patuloy ang Bise Presidente sa kanyang pahayag sa mga accusers na dalhin ang kanilang mga reklamo sa korte.

Sa korte, iginiit ni Binay na ang mga “false witnesses” ay hindi pinapayagan na magbigay ng testimonya at ang sinungaling naparurusahan at hindi binibigyan ng reward. Maging ang mga haka-haka o hearsay ay hindi umano tinatanggap ng korte.

Maging aniya ang Partial Report ng sub-committee ay inaasahang maibabasura lamang ng korte dahil sa bumase lamang at naniwala sa mga kasinungaling pahayag ng mga walang “kredibilidad” na testigo at hindi tamang konklusyon.

ACIRC

ANG

BINAY

BISE PRESIDENTE

JOEY SALGADO

LIBERAL PARTY

MAKATI CITY HALL BLDG

MGA

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT MEDIA AFFAIRS

PARTIAL REPORT

SALGADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with