EO sa umento giit kay PNoy
MANILA, Philippines – Pinayuhan kahapon ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto si Pangulong Aquino na maglabas na lamang ito ng Executive Order para sa salary increase ng mga 1.3 milyong government workers matapos mabigo ang Kongreso na maipasa ang Salary Standardization Law (SSL) 4.
“I think that at this stage, the President’s men should start drafting the executive order,” sabi ni Sen. Recto.
Nabigo ang Kongreso na maipasa ang SSL4 hanggang sa mag-adjourn ito kaya nakabitin ang inaasahang salary increase ng mga government workers.
“Even if Congress will adjourn for a four-month election break without passing the Salary Standardization Law (SSL) IV, government workers can still get their pay hike through an executive order which President Aquino can sign,” wika ni Recto.
Aniya, ito na lamang ang paraan upang hindi maunsyami ang mga manggagawa sa gobyerno sa inaasahan nilang salary increase sa pamamagitan ng executive order ni PNoy.
Dagdag pa ni Recto, may nakalaan namang P57.9 bilyon sa ilalim ng 2016 budget para sa salary increase ng 1.3 million kawani ng pamahalaan kaya EO na lamang muna ang dapat ilabas ng Pangulong Aquino para rito at isumite na lamang ulit ang panukalang SSL 4 sa susunod na Kongreso sa Hulyo.
- Latest