MANILA, Philippines – Ikakalat ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) ang kanilang mga inspectors sa kahabaan ng Edsa partikular sa mga loading at unloading zone. Ito ayon kay Atty Ariel Inton, boardmember ng LTFRB ay upang mabawasan ang matindng traffic sa Edsa na dulot ng mga for hire vehicles laluna ng mga passenger buses na halos mag-terminal na sa kahabaan ng Edsa malapit sa kanilang mga terminal.
Kaugnay nito, binalaan ni Inton ang mga bus owners na ayusin ang parada ng kanilang sasakyan o ipasok sa kanilang mga terminals kung ayaw maparusahan ng ahensiya.
“Ang isa sa mga pugad ng traffic sa kahabaan ng Edsa ay ang Kamuning-Cubao area na kung saan matatagpuan ang karamihan sa mga terminal ng bus,” pahayag ni Inton.
Ang hakbang ay ginawa ni Inton bilang tugon sa reklamo sa kanyang tanggapan sa sobrang tindi ng traffic sa ilang bahagi ng Edsa dahil sa pag-iistambay ng mga pampasaherong bus.