Ombudsman: Nega sa corrupt!
MANILA, Philippines – “Ang apela ko lang ay iboto natin ang mga taong malinis ang rekord sa lokal at nasyonal. Lahat ng kandidato maging sa mga posisyong pambayan, pang-lungsod o pambansa ay kailangang magharap ng plataporma kung paano nila lalabanan ang katiwalian.”
Ito ang naging pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa isang panayam tungkol sa darating na halalan at ang laban sa mga mandarambong sa pamahalaan.
Sinabi ni Carpio na ang daming kawani ng gobyerno ang nahaharap sa mga reklamo ng katiwalian, lalo na sa lokal na pamahalaan. Sa kabila nito ay marami na ang naalis sa puwesto.
“Totoong seryoso ang Pangulo sa pagsusulong ng kanyang kampanya laban sa korapsyon,” mungkahi ni Morales. Ito’y sa kabila ng pagiging hiwalay at independyente ng kanyang tanggapan mula sa Office of the President. Nahalal sa kanyang plataporma laban sa korapsyon si Aquino at pinatunayan niyo ito sa pagsasampa ng mga kaso laban sa tinuturing na “big fish” na dati’y “untouchable” dahil sa kanilang puwesto.
Sang-ayon naman ang kampo ni Daang Matuwid presidentiable Mar Roxas sa apela ni Morales na ayawan ang mga magnanakaw sa darating na eleksyon.
“Tama ang sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales,” sabi ni Daang Matuwid Coalition Spokesperson at Akbayan Rep. Barry Gutierrez. “Ibig sabihin nito, dapat ipagpapatuloy ang Daang Matuwid para hindi mahinto ang paglinis ng pamahalaan,” pahayag nito.
- Latest