Sa kasong libel na iniharap ni Junjun Binay: Trillanes pinaaaresto ng Makati RTC
MANILA, Philippines – Pinaaaresto ng korte si Senator Antonio Trillanes IV dahil sa kasong libelo na isinampa dito ni dating Makati City Mayor Junjun Binay.
Ayon kay Atty. Maricel Cairo, clerk of court ng Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 142, may “order of probable cause” aniya sa kasong isinampa laban sa senador, dahilan upang awtomatikong mag-isyu ng warrant of arrest ang korte laban dito.
Nabatid kay Atty. Claro Certeza, abogado ni Binay, nakatanggap siya ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang indibiduwal kaugnay sa inilabas na warrant of arrest laban kay Trillanes dahil sa naturang libel case.
Sinabi nito na hindi pa niya natatanggap ang kopya ng nasabing desisyon ng korte.
“Hindi daw ako entitled sa kopya kaya hindi ako binigyan,” sabi ni Certeza sa panayam. “Maghihintay na lang ako ng kopya.”
Nag-ugat ang reklamo sa April 7 interview kay Trillanes na naere sa mga radyo at telebisyon kung saan hayagang sinabi ng senador na sinuhulan ni Binay ang mga miyembro ng 6th Division ng Court of Appeals “by paying them millions of pesos in exchange for favorable action” kapalit ng temporary restraining order laban sa kanyang suspension order.
“The damaging and ruinous claims spewed out by respondent Trillanes are mere concoctions and fabrications with no other purpose than to malign, discredit, ruin my reputation and besmirch my good name as well as that of my family,” saad ni Binay sa kanyang complaint affidavit.
- Latest