^

Bansa

Kalsada magiging ligtas sa speed limit law

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaasahan ni Iloilo City Congressman Jerry Trenas na bababa na ang bilang ng mga aksidente sa kalsada na bunga ng mga matutulin na bus at truck kapag napagtibay ang kanyang panukalang batas sa pagkakabit ng mga speed limiter sa lahat ng pampublikong sasak­yan at mga closed vans, hauler or cargo trailer, shuttle services at tanker trucks.

Ang panukalang “Speed Limiter Act” ay inaprubahan kamakailan sa pangatlo at pinal na pagbasa sa Senado at kamara at takda ngayong isalang sa bicameral conference para pagsamahin ang kani-kanilang version.

Sinabi ni Trenas na ina­asahan niyang ma­la­lagdaan bago maging ganap na batas ang panukala bago matapos ang panunungkulan ni Pangulong Aquino.

“Isa itong malaking hakbang para maging mas ligtas tayo sa mga kalsada. Mga speed demon ang maraming bus at truck driver na walang pakialam sa kaligtasan. Dumating na sa puntong kailangan nang maglagay ng mga speed limiter na ito para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at pedestrian,” sabi ni Trenas.

Ang speed limiter ay isang device na naglilimita sa bilis ng isang sasakyan sa pamamagitan ng mga mechanical, electronic o communications system o kumbinasyon ng mga sistemang ito.

Magiging rekisitos sa pagpaparehistro ng nasasaklawang mga sasakyan ang pagkakabit ng mga speed limiter.

Nagpahayag ng ka­lungkutan si Trenas na ma­raming buhay ang nawala dahil sa kaska­serong mga bus at truck driver.

Sa pagkakabit ng speed limiter, hindi na nila mapapabilis ang kanilang sasakyan nang higit pa sa speed limit.

ACIRC

ANG

DUMATING

ILOILO CITY CONGRESSMAN JERRY TRENAS

INAASAHAN

MGA

PANGULONG AQUINO

SHY

SPEED

SPEED LIMITER ACT

TRENAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with