^

Bansa

Peace talks sa MILF tuloy kahit tapos na ang termino ko - PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ni Pangulong Aquino na magpatuloy ang peace process sa Moro Islamic Liberation Front kahit tapos na ang termino nito.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, inatasan ni Pangulong Aquino si Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Teresita Deles na gumawa ng action plan upang maisulong ang usapang pang­kapayapaan sa MILF pagkatapos ng Aquino administration.

Ito’y sa harap ng pahayag ng liderato ng Senado at Kamara na mahirap nang maihabol na maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago ang halalan sa Mayo 2016 o sa loob ng administrasyon ni Aquino.

Magugunita na nabigo ang Kamara na maipasa ang BBL sa kabila ng naging apela ng Pa­ngulo.

Hanggang Peb. 3 na lamang ang session ng Kongreso bago ang election break at magbabalik sa Mayo 23 para sa Congressional canvassing of votes.

Marso 27, 2014 nang lagdaan ang peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at MILF.

ACIRC

ANG

AQUINO

BANGSAMORO BASIC LAW

COMMUNICATIONS SEC

HANGGANG PEB

KAMARA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULONG AQUINO

PEACE PROCESS SEC

PRESIDENTIAL ADVISER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with