Bagong Immigration chief nangakong lalabanan ang human trafficking
MANILA, Philippines — Binalaan kaagad ng bagong talagang hepe ng Bureau of Immigration ang mga nasa likod ng illegal recruitment ng kababaihan, kabilang ang mga tauhan sa loob ng ahensyang sangkot sa kalakaran.
"Victimizing on women is the one thing that I cannot tolerate… If I could prevent one woman from becoming a prostitute, I could sleep more soundly at night," pahayag ni Immigration Commissioner Ronaldo Geron.
Isa sa mga palalakasin ni Geron ay ang pagkuha ng intelligence upang matukoy kung sino ang nagpapatakbo ng krimen sa mga kababaihan.
"If I could find a way to determine the immigration officer na nagtatak ng departure stamp, kung saan na terminal yan, gagawa ako ng paraan na maihabla at makulong so many times over," wika ni Geron.
Dating deputy executive secretary for finance and administration sa Office of the President si Geron at aniya gagamitin niya ang kaniyang mga koneksyon upang paigtingin ang kaniyang kampanya laban sa human trafficking.
Sa 2015 trafficking in persons report ng US State Department, limang taong magkakasunod na iniligay nila ang Pilipinas sa Tier 2 status ng mga bansang hindi nagpapatupad ng minimum standards sa pagsugpo ng human trafficking.
"Trafficking of women is unforgivable,” sabi ni Geron.
- Latest