^

Bansa

Red tape sa BI wawalisin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Paglilinis mula sa red tape ang pangunahing susugpuin ni Immigration Commissioner Ronaldo Geron sa kanyang panunungkulan hanggang Hunyo 30.

Ayon kay Geron, sa kanyang unang araw sa BI nakita niya ang maling sistema kaya’t tumatagal ang isang dokumento ng halos dalawang araw sa iisang tanggapan. Dito na  nagkakaroon ng red tape.

Simula Marso 1 ay ipatutupad na nila ang  stamp system para na rin sa security purposes at mabilis na proseso ng mga dokumento.

Sinabi ni Geron na nagpagawa na sila ng stamp na magsisilbing tracking number ng magsasagawa ng transaksiyon sa BI para mamonitor kung nasaan na ang dokumento matapos na tanggapin sa Central Receiving  Unit (CRU).

Aniya, noong mga nakaraang administrasyon sa BI, tumatagal ang papeles o dokumento ng halos isang linggo kung saan nagkakaroon na  ng suhulan upang mapabilis ang transaksiyon.  

Nais din in Geron na idirekta na ang mga dokumento kung saan mang division ito nararapat. Hindi na umano dapat pang isalin at pagpasa-pasahan ang mga papeles na  nakakaubos lamang ng oras at pagod ng mga empleyado.

Dapat aniyang pairalin ang ‘first come, first  serve’ at dapat ding may kooperasyon ang publiko upang tuluyan nang matanggal ang  katiwalian.

ANG

ANIYA

AYON

CENTRAL RECEIVING

DAPAT

DITO

GERON

IMMIGRATION COMMISSIONER

NBSP

RONALDO GERON

SIMULA MARSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with