^

Bansa

Roxas ‘nilinis’ sa Mamasapano

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang bagong ebidensiya o expose ang lumabas sa binuhay na imbestigasyon ni Sen. Juan Ponce Enrile sa malagim na insidente sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Muli namang inamin ni Gen. Getulio Napeñas na sadya nilang tinago ang Oplan Exodus kay dating DILG Secretary Mar Roxas, kaya’t walang pananagutan si Roxas sa mga pangyayari. “Sec. Roxas was not included,” sabi ni Napeñas.

Nilinaw rin nito na sa Oplan Wolverine na-brief si Roxas at hindi sa Oplan Exodus na binuo para matugis ang dalawang teroristang sina Marwan at Basit Usman.

Dumating si Roxas kasama ang iba pang ipinatawag sa Senado. Ilang beses ng sinabi ni Roxas na handa itong humarap sa kahit saang lugar upang sagutin ang mga tanong tungkol sa kaniyang naging partisipasyon sa operasyon.?Naging malinaw din sa testimonya ng mga sumipot na heneral at miyembro ng kapulisan na hindi kumpleto ang impormasyon na ibinibigay sa kanila ni Napeñas noong araw ng operasyon.

Binasa ni dating OIC PNP Chief Leonardo Espina ang report sa kanya ni Napeñas bandang ala-una y medya ng hapon ng Enero 25, kung saan sinabi ni Napeñas na hindi kumpirmado na may nalagas sa hanay ng SAF, kahit hindi ito totoo.

Inamin rin ni Napeñas na hindi niya ibinigay ang buong katotohanan sa Armed Forces of the Philippines at iba pang kalihim na dapat ay nasabihan tungkol sa operasyon.

vuukle comment

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ATILDE

BASIT USMAN

CHIEF LEONARDO ESPINA

GETULIO NAPE

JUAN PONCE ENRILE

OPLAN EXODUS

OPLAN WOLVERINE

ROXAS

SECRETARY MAR ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with