Ex-DOJ Sec. Caguiao nanumpa na bilang SC justice
MANILA, Philippines – Isa nang ganap na hukom ng Korte Suprema si dating Justice secretary Alfredo Bejamin Caguioa.
Nanumpa si Caguiao kay Chief Justice Maria Lourdes Aranal Sereno bilang ika-174 na associate justice ng mataas na hukuman .
Itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III ang dating kaklase matapos sumalang sa public interview ng Judicial Bar and Council last nitong Enero 22.
Pupunan ni Caguiao ang nabakanteng pwesto ni Associate Justice Martin Villarama Jr. na nag-early retirement dahil sa kalusugan nitong Enero 16.
- Latest