^

Bansa

Resolution vs 90 MILF ilalabas na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Justice (DOJ)  na malapit nang ilabas ang resolusyon laban sa 90 na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at private armed groups (PAGs) sa mga alegasyon laban sa kanila kaugnay sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ng PNP.

Ang paniniyak ay ginawa kahapon ni acting DoJ Sec. Emanuel Caparas, na nagsa­bing submitted for resolution na ang kaso laban sa mga suspek na isinasangkot sa madugong engkwentro.

Gayunman, inamin ni Caparas na mabagal ang pag-usad ng imbestigasyon dahil maraming testigo at respondent pero nangako ito na gagawin nila ang lahat para mapabilis ang paglutas sa kaso.

Hindi naman nagbigay ng time frame ang kalihim kung kailan ilalabas ang resolus­yon pero minamadali na raw ito lalo na’t natapos na ang pagdinig ng DoJ pannel.

Ang kaso sa DoJ panel ay may kaugnayan sa pagkamatay ng 35 sa 44 na miyembro ng PNP-SAF na kasama sa Oplan Exodus para hulihin ang Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

ACIRC

ANG

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CAPARAS

DEPARTMENT OF JUSTICE

EMANUEL CAPARAS

GAYUNMAN

MARWAN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

OPLAN EXODUS

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with