Urban poor group suportado si Leni bilang VP
MANILA, Philippines - Nagsagawa ang Kilos Maralita, isang urban poor organization na mayroong 35,000 miyembro sa Metro Manila, ng isang fun run noong Linggo bilang pagpapahayag ng suporta kay Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo.
Humigit-kumulang 10,000 miyembro ng KM ang lumahok sa fun run sa Quezon Memorial Circle na layong itampok ang suporta ng grupo kay Robredo.
Ayon sa grupo, tiwala silang ipagpapatuloy ni Robredo ang sinimulang programa ng yumaong asawa niyang si Jesse para sa informal settlers na tinaguriang “People’s Plan” noong mayor pa ito ng Naga City sa ilalim ng “Kaantabay sa Kauswagan” o “Partners in Development” project, na kanya ring ipinatupad noong kalihim siya ng DILG.
Sa nasabing plano, nabibigyang lakas ang informal settlers sa pamamagitan ng isang patas at epektibong mekanismo, kasama ang pamahalaan, urban poor at pribadong landowners, upang maresolba ang isyu sa lupa.
Ang programa ay kinikilala at ginagamit ng maraming local government units (LGU) upang maayos ang problema ng informal settlers.
“Sa lahat ng kaso na hinawakan ay walang na demolish. Ito po ay nagawa natin dahil binigyang halaga natin ang buod ng Urban Development and Housing Act (UDHA). Hindi po tayo nagpapatupad ng demolition hanggang walang handang relocation site,” wika ni Robredo.
- Latest