^

Bansa

Exodus sa PAGASA pinangambahan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinangangambahan ng mga empleyado at kasapi ng Philippine Weathermen and Employees Association (PWEA)  na magkaroon ng “exodus” ng mga weathermen sa Philippine Atmospheric Geophysical Services Admi­nistration-Department of Science and Technology (PAGSA-DOST) kapag hinayaang maaprubahan ang pagbasura sa Republic Act 8439 o ang Magna Carta for Science and Technology Workers sa bansa.

Ayon kay PWEA President Ramon Agustin, economic disaster sa kanilang hanay ang panukalang i-repeal o amiyendahan ang nabanggit na batas na nagbibigay ng karagdagan benepisyo sa mga manggagawa ng DOST at iba pang agency ng gobyerno.

Nilinaw ni Agustin na hindi sila tutol sa proposal salary standardization law na magbibigay ng 11% increases sa monthly salary ng isang government employee.

Pero nakasaad sa provision ng SSL na ibabasura ang RA 8439 dahil ito ang source of funding na nakikita ng Department of Budget and Management.

Kapag natuloy ang proposal ayon kay Agustin, 90% ang mawawala sa average monthly salary ng isang weatherman.

Wala na aniyang magagawa pa ang isang weatherman kundi ang umalis sa PAGASA at maghanap ng mas marangal na trabaho.

Sa record ng PWEA 30% na ang weatherman na umalis sa PAGASA at nangibang bansa dahil sa alok na malaking salary.

Ayon sa grupo magsasagawa sila ng everyday protest rally tuwing 12:00-1:00 ng hapon upang iparating ang kanilang hinaing.

AGUSTIN

ANG

AYON

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

MAGNA CARTA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL SERVICES ADMI

PHILIPPINE WEATHERMEN AND EMPLOYEES ASSOCIATION

PRESIDENT RAMON AGUSTIN

REPUBLIC ACT

SCIENCE AND TECHNOLOGY WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with