Irrigation fee sa magsasaka ipapatanggal ni Ping
MANILA, Philippines – Ipahihinto ni dating Senador Panfilo Lacson ang pangongolekta ng bayad sa mga magsasaka buhat sa mga patubig na pinangangasiwaan ng pamahalaan.
Ani Lacson, isa ito sa mga pangunahing panukalang batas na isusulong niya sa unang isandaang araw ng kanyang muling pagseserbisyo publiko oras na makabalik bilang senador.
“Ako nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magsasaka sa malayong lugar. Ang irrigation fee dapat tanggalin yan kasi ang laki ng pondo ng NIA, tapos ita-tax mo ang magsasaka magbabayad ka ng irrigation fee. Parañaque ang pondo ng NIA o gobyerno para bigyan ng serbisyo ang ating magsasaka?” sinabi niya sa isang panayam sa dzMM.
Dagdag niya, kailangan idaan sa batas ang pagtanggal ng irrigation fee dahil ang bayarang ito ay nakasaad sa batas.
Naging hinaing ng mga magsasaka ang problema tungkol sa binabayarang suplay ng tubig buhat sa mga irigasyon na pinangangasiwaan ng NIA, sabi ni Lacson.
Bukod sa pag-alis ng irrigation fee, ipupursigi rin ni Lacson ang pagsusulong ng National ID System, patuloy na pagbabantay laban sa pork barrel at ang pagbubunyag at paghahanap ng epektibong pampigil sa mga katiwalan sa pamahalaan.
- Latest